Gaya ng
aking nabanggit sa aking blag, ako ang nagsilbing Head Panelist sa kauna-unahang
The UP Parser Writing Workshop na idinaos noong Hulyo 23, 2008 sa UP Diliman.
Ang
UP Parser ay ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng UP Department of Computer Science, at noong panahon ko bilang Editor-in-Chief ay isa sa pinakamalakas na publikasyon sa College of Engineering (hindi ko pwedeng sabihing mas malakas sa
Eng'g Logscript, dahil ako rin ang News at Lit Ed doon!).
Tumagal ng 2-3 oras ang workshop, at mga isang dosena yata ang dumalo. Ang mga paksa: News at Feature Writing sa Ingles.
Ang ilan sa mga pics sa ibaba ay galing kay
Jonel at unang inilagay sa
UP Parser Multiply. Ang iba ay galing sa buloksis kong camera. Kapag klaro, si Ia ang kumuha; kapag blurry, ako.
P.S. At oo, suot ko na naman ang isa sa aking mga peyborit na shirt. Pagpasensyahan ang di mahilig bumili ng damit.